March 22, 2011

Lyrics Ngayon ang Bukas Dodjie Simon

I dedicate this entry to all graduates because I know that the lyrics of this song is practically impossible to find in the internet!!! Also, thanks to YouTuber, snovtruk, for uploading a performance of this song from the 70s. I also embedded the video on this page so you could practice and sing a long! CONGRATULATIONS TO ALL GRADUATES!!! =)


NGAYON ANG BUKAS
Dodjie Simon


Sa bawa't puso'y
May isang pangarap
Nguni't pagsubok ang hinaharap
Bit'win man ay hawiin pa ng ulap
Sa lalim ng gabi ay kikislap

Sa dakong bukas
May isang pangako
Sa sipag at t'yaga ito'y matatamo
Tangan ang pag-asang nasa puso
Galing at tagumpay ay nasa 'yo

Ngayon ang bukas na kahapon pa'y naghihintay sa 'yo
Sariling sikap at t'yaga upang ito ay matamo
Walang hindi mo kakayanin
Walang hindi kayang gawin
Mga pangarap mo ngayon ay abutin

Bagyo man ang dala ng pagkakataon
May bahagharing dulot ay mabuting panahon
Sa muling pagsikat ng 'yong bagong araw
Sa Dios 'wag mong limuting tumanaw

Sa dakong bukas
May isang pangako
Sa sipag at t'yaga ito'y matatamo
Tangan ang pag-asang nasa puso
Galing at tagumpay ay nasa 'yo

Ngayon ang bukas na kahapon pa'y naghihintay sa 'yo
Sariling sikap at t'yaga upang ito ay matamo
Walang hindi mo kakayanin
Walang hindi kayang gawin
Mga pangarap mo ngayon ay abutin

Ngayon ang bukas na kahapon pa'y naghihintay sa 'yo
Sariling sikap at t'yaga upang ito ay matamo
Walang hindi mo kakayanin
Walang hindi kayang gawin
Mga pangarap mo ngayon ay abutin

Walang hindi mo kakayanin
Walang hindi kayang gawin
Mga pangarap mo
Mga pangarap mo
Mga pangarap mo ngayon ay abutin

0 comments: